Ang Ibong Adarna, Mga Tauhan sa Kwento, at Mga Katangian ng Bawat Isa

Ano nga ba ang kwento sa likod ng Ibong Adarna? Sino-sino nga ba ang mga tauhan na may malaking parte sa koridong ito? Iyan at ang iba pang katanungan ang siyang ating tatalakayin sa artikulong ito.


{tocify} $title={Table of Contents}

Mga Tauhan sa Ibong Adarna

Ano ang Ibong Adarna?

Ang Ibong Adarna ay kilala bilang isa sa mga sikat at pinag-aaralang korido sa paaralan. Ito ay isinulat pa noong panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas. 

Ang Ibong Adarna ay isa ring korido na pinaniniwalaang isinulat ng tangyag na manunulat na si Jose de la Cruz. Bagama't hindi sigurado ang orihinal na awtor nito, ang kwentong ito ay talagang sumikat sa Pilipinas. Ginawan na rin ng mga pelikula, at nasisilayan rin sa entablado sa pagtatanghal ng moro-moro o komedya.

Ito ay naglalaman ng kwento tungkol sa isang maalamat na ibon - ang ibong Adarna. Ang ibong ito ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Bagama't nakakapagpagaling ng anumang klase ng sakit ang boses nito, ang sinumang madapuan ng kaniya dumi ay nagiging bato.

Upang mas lalong maunawaan ang daloy ng kwento, aking isinulat at binigyang kahulugan ang mga importanteng tauhan sa koridong ito, at ito ay iyong mababasa sa mga susunod na talata.

Ano ang buong pamagat ng Ibong Adarna?

Ang buo nitong pamagat ay "Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania."

Handa ka na bang malaman kung sino-sino ang mga tauhan sa kwentong ito? Kung oo, halina't ating lakbayin ang mundo ng Ibong Adarna at sabay-sabay tayong matuto sa hatid nitong aral.

Mga Tauhan Sa Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna
Isang engkantadong ibon na napakahiwaga ang awit dahil napapagaling nito ang anumang sakit ng sinumang makadinig sa awit niya, ngunit ang sinumang mapatakan ng kanyang dumi ay magiging bato. 

Haring Fernando
Siya ang kilalang hari sa kaharian ng Berbanya. Siya ay iginagalang ng mga mamamayan dahil sa maayos na pamamalakad niya sa kaharian ng Berbanya.

Reyna Valeriana
Siya naman ang asawa ni Don Fernando at ina ng tatlong prinsipe ng Berbanya na sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan.  Siya ang tumutulong sa hari sa maayos na pamamalakad sa buong kaharian.

Don Juan
Siya ang pinakamabait na prinsipe. Siya ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang nakakuha sa Ibong Adarna na makakapagpagaling sa sakit ng kanyang ama.

Don Pedro
Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid.  Magiting man siyang ituring ngunit may itinatago naman siyang kasakiman.

Don Diego
Siya naman ang pangalawang anak na palaging nakabuntot sa kapatid niyang si Don Pedro.  Siya’y nalilihis ng landas dahil sa maimpluwensiya niyang kapatid na si Don Pedro.

Ang Ermitanyo
Siya ang matandang nagpayo kay Don Juan tungkol sa mga kailangan niyang gawain para mapasakamay niya ang Ibong Adarna.

Matandang Leproso
Ang matandang nagbigay ng paalala kay Don Juan na makipagkita muna siya sa ermitanyo bago niya tangkahing hulihin ang Ibong Adarna.

Donya Juana
Siya ang prinsesang iniligtas ni Don Juan mula sa higanteng nagbabantay sa kanya. Siya ay kapatid din ni Donya Leonora.

Donya Leonora
Siya naman ang bunsong kapatid ni Donya Juana at iniligtas din siya ni Don Juan mula sa serpyenteng may pitong ulo.

Donya Maria Blanca
Ang prinsesa sa kaharian ng Delos Cristal at nagtataglay ng mas makapangyarihang mahika kaysa sa mahika ng kanyang ama na si Haring Salermo.

Haring Salermo
Siya ang Hari at namamahala sa kaharian ng Delos Cristal na may taglay na mahikang itim. Siya ang ama ni Donya Maria Blanca.

Manggagamot
Siya lamang ang tanging nakaalam sa karamdamang tinataglay ng hari sa kaharian ng Berbanya.

Basahin din: Buod ng Bawat Kabanata sa Ibong Adarna, Mga Talasalitaan, at Mga Maikling Pagsusulit
  • Unang Yugto: Buod ng "Ang Kaharian ng Berbanya" (Kabanata 1 ng Ibong Adarna)
  • Ikalawang Yugto: Buod ng "Ang Karamdaman ni Don Fernando" (Kabanata 2 ng Ibong Adarna)
  • Ikatlong Yugto: Buod ng "Ang Paglalakbay ni Don Pedro" (Kabanata 3 ng Ibong Adarna)

Pangwakas


At 'yan ang mga tauhan nito. Pagkatapos niyo itong basahin, may nais lamang akong itanong sa inyo. Sa mga tauhang nabanggit, sino sa palagay niyo ang pinakanagustuhan niyo? Bakit?

Para sagutin ang tanong, mangyaring mag-iwan ng sagot sa comment box para naman mas maging masigla ang ating talakayan. Magkita-kita ulit tayo sa susunod na post.

Pwede niyo ring panuorin sa youtube ang mga tauhan sa Ibong Adarna.

Pwede niyo ring i-download nang libre ang file nito para pwede niyong markahan ng highlighter at ng iba pa.




Frequently Asked Question (FAQs)


Ano ang mahalagang papel ng Ibong Adarna sa kuwento?
Ang Ibong Adarna ay may may mahalagang papel sa kwento sapagkat ang kanyang awit ay may kapangyarihang makapagpagaling ng sakit. Dahil dito, napagaling ang malubha at hindi matukoy na sakit ng hari.
Ilarawan ang kagandahan ng kaharian ng Berbanya sa Ibong Adarna
Ang kaharian ng Berbanya ay isang makulay at marilag na kahariaan. Sa lugar ding ito matatagpuan ang puno ng Piedras Platas, na siyang tahanan ng maalamat na Ibong Adarna. Ang paligid ay punong-puno ng mga halaman at magagandang tanawin.
Ano ang mga aral na mapupulot mula sa kuwentong Ibong Adarna?
Mapupulot sa kwentong ito ang kahalagahan ng pagtitiwala, pagpapatawad, at lubos na pagmamahal sa pamilya. Itatanim din ng koridong ito sa ating puso't isipan na kailangang itama ang mga pagkukulang at maging responsable sa ating mga gawain.
Saan nagkulang ang hari sa kanyang tungkulin bilang ama sa Ibong Adarna?
Bagkus isang mabuting ama ang hari, hindi niya alam na hahantong ang mga anak sa mga kaugaliang hindi kaaya-aya dahil sa sakim at kapangyarihan.
Ano ang mga hakbang na ginawa ng mga prinsipe upang hanapin ang Ibong Adarna?
Nagtungo sila sa iba't ibang paglalakbay at sumailalim sa mga pagsubok para hanapin ang punong tinitirhan ng Ibong Adarna at madala ang ibon sa kaharian.
Ano ang buong pamagat ng Ibong Adarna?
Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.
Ano ang mga pagsubok na pinagdaanan ng bawat prinsipe sa Ibong Adarna?
Naglakbay sila ng malayo at nilagpasan ang bawat pagsubok para lamang makuha ang kanilang pakay at upang mapagaling ang amang may malalang karamdaman.
Bakit mahalaga ang awit sa kwento ng Ibong Adarna?
Ang awit ng Ibong Adarna ay makapangyarihan. Sa katunayan ay nakapagpapagaling ito ng anumang karamdaman.
Saan naganap ang Ibong Adarna?
Ang kuwentong Ibong Adarna ay naganap sa kaharian ng Berbanya.
Sino-sino ang mga magkakapatid na prinsepe sa Ibong Adarna?
Ang mga magkakapatid na prinsepe ay sina Don Juan, Don Pedro at Don Diego.
>
McJulez

McJulez is a passionate writer who loves making concise summaries, sharing valuable notes, and talking about new insights. With a background in campus journalism and a commitment to delivering experienced and reliable content, McJulez is dedicated to making this platform a community of learning and connection. facebook twitter pinterest

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma