Wastong Gamit at Pagkakaiba: Ng at Nang


Pagkakaiba, Halimbawa at Tamang Gamit ng Ng at Nang

Bagama't uso ang mga salitang balbal, shortcuts ng mga salita, at marami pang iba, kailangan pa rin na isaalang-alang ang wastong paggamit ng mga salita, katulad na lamang ng salitang ng at nang.

Madalas mapansin ang mga salitang ito at minsan, ang alam ng iba ay magkahawig o magkatulad lamang ang dalawang ito. Gayunpaman, mahalagang malaman na may pagkakaiba ang mga salitang ito pagdating sa kahulugan.


Ano nga ba ang pagkakaiba nila? Kailan at paano ginagamit ang mga salitang ito? Ating aalamin ang magkaiba nitong gamit at atin ding gagamitin sa ilang pangungusap.


{tocify} $title={Table of Contents}


Ng at Nang sa Balarilang Filipino


Sa wikang Tagalog, ang ng at nang ay parehong mahalaga lalo na balarilang Filipino. Sa isang salita, madalas ginagamit ang ng bago ang simula ng pangngalan o pandiwa. Sa kabilang banda, ang nang naman ay kadalasang ginagamit kung tayo ay nagpagpapahayag ng isang pangyayari o 'di kaya'y pagkakataon.


Sa balarilang Filipino, ang mga salitang ito ay isang mahalagang aspeto ng gramatika o palatuntunan ng isang wika. Ang wastong paggamit ng mga salita ito ay mahalagang matututunan para mas maging maliwanag ang pagpapayahag ng ideya o damdamin.


Ng at Nang: Wastong Paggamit at mga Halimbawa Nito


Tandaan na ang ng ay madalas tumutukoy sa pagmamay-ari, samantalang ang nang ay karaniwang tumutukoy sa pag-aaksyon. Dapat itong isapuso at isaisip dahil kapag mali ang pagkakagamit ng ilang salita ay maaaring mag-iba ang ibig sabihin ng pangungusap.


Wastong Paggamit ng mga Salita


Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pamantayan sa balarilang Filipino. May kasama ring halimbawa para mas maintindihan ang bawat pamantayang ito. Mas mapapalawak din ang ating kaalaman sa wastong paggamit ng wika.


Paggamit ng Ng at Nang

Bagama't magkasintunog at halos magkapareho ng pagkakabaybay, ang ng at nang ay hindi magkasingkahulugan. Ang dalawang ito ay ginagamit sa magkaibang paraan. Kung paano gamitin ang mga salitang ito, narito ang paliwanag.


Ng- Kailan ito ginagamit at mga halimbawa


Ng at Nang: Wastong Paggamit at mga Halimbawa Nito


Ang "ng" ay karaniwang ginagamit bago ang pangngalan o panghalipaggamit ng Ng at Nang

Narito ang ilang halimbawa: 

  • Naglaba ng damit si Korina.
  • Naglaro ng basketball si Angelo.
  • Nanalo ng pera si Aling Bana.
  • Nilipad ng hangin ang papel na hawak ni Carlo.
  • Nakalimutan ni Justin na magdala ng payong.

Ang "ng" ay ginagamit din kapag sinusundan ito ng pang-uri


Narito ang ilang halimbawa: 

  • Nakabingwit ng maliit isda si Rico.
  • Nakapulot ng lumang laruan si Leah.
  • Nakakuha ng magandang grado ni Julius.
  • Naglaba ng maraming damit si Jhelyn.
  • Nakapulot ng malaking halagang pera si Joshua.


Ginagamit ang "ng" kung ang sinusundan nitong ng salita ay pandiwa


Narito ang ilang halimbawa: 

  • Si Darian ay naglakad ng mabilis.
  • Si Hannah at Mariel ay sumayaw ng masigla sa harap.
  • Naglakad ng malayo si Teejay upang marating ang paaralan.
  • Nagbigay si Luke ng regalo sa kaarawan ni Mark.
  • Tumulong si Lowie sa paglilinis ng kanilang bakuran.

Nang - Kailan ito ginagamit at mga halimbawa


Ng at Nang: Wastong Paggamit at mga Halimbawa Nito


Ginagamit ang "nang" bilang pang-ukol


Narito ang ilang halimbawa: 

  • Agad silang tumakbo palabas nang biglang may humiyaw sa kalsada.
  • Mahimbing ang tulog ni Nemy nang dumating si Cassy.
  • Masayang kumakanta si Levy nang biglang nawala ang kuryente.
  • Naputol ang pagkwekwentuhan nina Evangeline nang may tumawag sa kaniyang pangalan.


Ginagamit ang "nang" bilang pang-ugnay sa pandiwa at pang-uri


Narito ang ilang halimbawa: 

  • Nagsalita siya nang malumanay sa harap ng kaniyang mga kaklase.
  • Nag-aral si Emjay nang mabuti para sa darating na exam.
  • Naging malungkot si Gwena nang umuwi ang kanyang kalaro na si Glena.
  • Naging masaya si Anthony nang dumating ang kaniyang mga bisita sa kaniyang kaarawan.

Ginagamit ang "nang" bilang pananda ng pook at oras


Narito ang ilang halimbawa: 

  • Masasayang ala-ala nang ako'y bata pa ang pumasok ulit sa aking isipan noong bumalik ako dito sa aming lugar.
  • Bumalik ulit kami nang Baguio pagkatapos magkaroon ng bakasyon.
  • Dumating siya nang bandang ala-una sa pinag-usapang lugar.
  • Nagbakasyon sina Angela nang buong linggo sa Ilocos.


Ang "nang" ay nilalagay sa gitna ng salitang-ugat o sa mga pandiwa na inuulit ng dalawang beses


Narito ang ilang halimbawa: 

  • Tawa nang tawa ang mga bata matapos marinig ang joke ni Carlo (salitang-ugat)
  • Sigaw nang sigaw si Charlotte matapos siyang habulin ng mga naglalakihang aso ni Alyssa (salitang-ugat)
  • Kumembot nang kumembot si Elieza matapos magpatugtog ng malakas si Angelica (pandiwa)
  • Lumapit nang lumapit sa dulo ang sinampay ni Aling Mutya (pandiwa)

Pangwakas

Sa wastong paggamit ng mga salita, partikular sa tamang paggamit ng "ng" at "nang," ay mas nagiging malinaw ang nais nating ipahayag kung tayo ay nagsasalita o nagsusulat. 


Dahil sa pagiging epektibo nito, nagiging daan ito upang magkaroon ng mas magandang komunikasyon at nababawasan nito ang ilang hindi pagkakaintidihan.


Bagama't madalas itong maituro sa ating, tandaan na hindi lang sapat na alam natin kung ano ang balarila. Mas magandang maintindihan natin ito ng mas mabuti kung patuloy natin itong ginagamit. Bilang pangwakas, ang ating kaalaman ukol dito ay nagbubukas ng mga pintuan para sa mas maayos na daloy ng komunikasyon at mas epektibong paghahayag. Sana ay nadagdagan na naman ang iyong kaalaman sa ating pinag-usapan ngayon.


Maikling pagsusulit mula sa binasa

  1. Ang "ng" at "nang" ay magkapareho lamang. (Tama o Mali).
  2. Tama ang paggamit ng salitang "ng" sa pangungusap na: Malapit ng dumating ang pasko. (Tama o Mali).
  3. Talon __ talon si Marco matapos manalo sa lotto. Sana all. (Punan ng "ng" o "nang").
  4. Ang bunga __ punong mangga nina Miya ay matamis. (Punan ng "ng" o "nang").
  5. Naging masaya si Jake __ dumating ang kaniyang mga kaibigan. (Punan ng "ng" o "nang").

McJulez

McJulez is a passionate writer who loves making concise summaries, sharing valuable notes, and talking about new insights. With a background in campus journalism and a commitment to delivering experienced and reliable content, McJulez is dedicated to making this platform a community of learning and connection. facebook twitter pinterest

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma