About Me

Ang KAESKWELAPH na matatagpuan sa https://kaeskwela-ph.blogspot.com ay isang website na ginawa ni McJulez, isang individwal na may background sa pagsusulat at journalism, para sa mga estudyante na mahilig magsulat, magbasa, at magbahagi ng mga natutunan.

Ang bawat artikulo sa blog na ito ay isinulat upang maghatid ng aral sa mga mambabasa. Sa Ingles, ang blog na ito ay for informational and educational purposes.  

Bilang mga mag-aaral, ang mga sumusunod na pahayag ay maaaring nararanasan:

  • Kailangan pa ulit basahin ang ilang lessons kung saan nahihirapan
  • May mga estudyanteng mas visual learners
  • May mga estudyanteng mas natututo sa pagbabasa gamit ang gadgets

Dahil sa mga bagay na ito, ang website na ito ngayon ay ginawa upang maghatid ng mga kaalaman at magsilbi bilang isang makabuluhang website online kung saan ang mga estudyante ay matututo at mag-eenjoy. 

Dito, ang mga estudayente ay pwedeng magbasa ng mga learning materials kagaya ng mga artikulo na may kaugnayan sa edukasyon at mga pangyayari sa loob ng bansa, pati na rin ang ilang modules. 

Sa pamamagitan nito, mas masasanay ang mga estudyante sa pagpapabuti ng kanilang kaalaman. At dahil dito, nalikha ang KAESKWELAPH.

Sa pamamagitan ng website na ito, umaasa kami na habang natututo ang mga mag-aaral ay na-eenjoy rin nila ang pagbisita nila dito. Sa kabuuan, narito ang mga kategorya ng website na ito:

  • Pagsusulat - naglalaman ito ng mga artikulong nakakatulong sa pagsusulat kagaya ng wastong paggamit ng balarila o Filipino grammar, paano magsulat gamit ang personal na estilo, at marami pang iba.
  • Panitikan - naglalaman ito ng mga tula, sanaysay, maikling kwento at marami pang uri ng panitikan. 
Sa pamamagitan ng website na ito, umaasa kami na magkakaroon ang bawat mag-aaral nang magandang paglalakbay at karanasan patungkol sa mga nabanggit na kategorya.

Kung may tanong, makipag-ugnayan sa e-mail: kiplearning23@gmail.com

Mag-post ng isang Komento