Di Mo Masilip ang Langit: Pagsusuring-basa at Aplikasyon

Sa likod ng maraming problema at paghihirap, tunay nga bang tinalikuran na nang langit ang pangunahing tauhan? Ang larawang ito ay mula sa Unsplash.

Mula sa mga napakaraming sulatin na nailimbag sa Pilipinas, marami ang sumasalamin sa realidad. Isa na dito ang tila hindi matapos-tapos na kahirapan sa bansa. Minsan mapapatanong ka na lang ng "kailan kaya ito matatapos?"

{tocify} $title={Table of Contents}

Ang kwentong ito ay kapupulutan ng maraming aral. Hindi lamang ito simpleng akda na isinulat para sa madla, ngunit ito rin ay nakakapag-bukas ng ating mga mata sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating paligid. 

Ano ang pagsusuring pampanitikan?

Ang pagsusuring pampanitikan ay isang proseso o pagtatalakay kung saan ating pinag-aaralan o sinusuri ang mga akdang panitikan upang mas maunawaan ang mga ito. 

Madalas na binibigyang diin ang mga bagay katulad ng tema, estilo, kahulugan, at iba pang aspeto. Samakatuwid, ito ay isang malalim na pagtalima sa mga teksto o panitikan para maunawaang mabuti ang kahalagahan ng mga ito lalong-lalo na ang mensaheng nais nitong ihatid sa mga mambabasa.

Ano ang kwentong 'Di Mo Masilip ang Langit? 

Ito ay isang kwento na isinulat ng kilalang manunulat na si Benjamin P. Pascual. Nagtamo ito ng parangal noong taong 1981. Tungkol ito sa buhay ng isang kantero na naninirahan sa isang bakanteng lote na katabi lamang ng subdibisyon. Masasalamin dito kung gaano kahirap ang maging mahirap.

Ano ang sinasabi ng akda tungkol sa kahirapan?

Sinasabi ng akda na dahil sa kahirapan, may mga bagay na ipinagkakait sa mga nasa laylayan. Ito ang nagiging ugat ng diskriminasyon. 

Nais nitong iparating na minsan, kung sino ang may salapi ay sila ang mas pinapaboran. Sa kabilang banda, kung wala kang salapi, ‘yan ang masakit kasi babalewalain ka lang ng ibang tao lalo na ang mga sakim sa kapangyarihan na walang ibang inisip kung hindi ang mga pansarili nilang interes lamang. 

Mula sa kwento, ipinahihiwatig rin na minsan dahil sa kahirapan ay nakakagawa ang ibang tao ng panibagong problema. Ito ay dahil na rin sa poot at galit na nabubuo dahil sa masakit na realidad na nangyayari sa kanila.

Dahil sa mga bagay na ito, masasabing hindi kailanman maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali.

Pagsusuri sa kwento

Sa mga susunod na talata ay ating susuriin ang kabuuan ng kwento. Hihimay-himayin natin ang mga ito upang sagutang ang ilang importanteng katanungan.

Ano ang tema ng kwento?

Ang kwento ay may temang sumasalamin sa kahirapan.

Sino-sino ang mga tauhan?

Luding

Siya ang isa sa mga pangunahing tauhan sa kwento. Kung ilalarawan, siya ay isang mabait at mapagmahal na asawa.

Asawa ni Luding

Siya naman ang nakulong na asawa ni Luding dahil sa poot at galit dulot ng diskriminasyong natamasa.

Mga sumusuportang aktor

Kinabibilangan ito ng mga nars at doctor at pati na rin sina Mr. at Mrs. Cajucom.

Saan ginanap ang kwento?

Ang kwento ay pangunahing ginanap sa barung-barong na bahay, pribadong hospital at sa loob ng kulungan. 

Ano ang nangyari sa kwento?

Ito'y tungkol sa mag-asawang nais lamang makaahon sa kahirapan. Matutukoy sa kwento na nais makapag-ipon ng mag-asawa para kung sakaling manganganak na si Luding ay doon na lamang sa pribadong ospital na malapit sa kanila. Sa pagkakalam nila, kunti na lamang ang babayarin dahil may “pri ward” naman.

Pero dahil nga sa kahirapan, biglaang pangyayari at diskriminasyon, naganap ang mga bagay na hindi naman dapat maganap.

Ano ang dahilan ng pagkabilanggo ng pangunahing tauhan?

Arson o ang pagsunog sa ospital kung saan niya dinala ang kaniyang buntis na asawa ang dahilan kung bakit nabilanggo ang pangunahing tauhan. 

Bagama’t nagawa lang ito dahil sa sobrang diskriminasyon na natatamo pati na rin ng emosyong nadarama, hindi pa rin ito makatwiran. 

Sa pagreresolba ng isang problema, hindi naman kailangan na dumaan ito sa maling paraan dahil baka ito pa ang maging sanhi ng panibagong problema na siyang nangyari nga sa kwento.

Karapat-dapat siyang mabilanggo dahil ang batas ay batas. Kailangan pa rin niyang pagbayaran ang kasalanang kaniyang nagawa kahit pa sabihing labag naman talaga ito sa kaniyang kalooban.

Ano ang mga salitang madalas ginamit ng pangunahing tauhan?

Kapansin-pansin sa buong kwento na gumamit ng mga salitang balbal ang manunulat para ilahad ang mga pangyayari. Madalas kasing marinig ang mga salitang ito sa mga lugar kagaya ng mga nabanggit sa kwento.

Ano ang salitang balbal?

Ang mga salitang balbal ay hango sa salitang islang sa Ingles. Ito ay mga salitang madalas marinig sa kalye. Karaniwang binabaliktad lamang o pinagpapalit-palit ang mga letra ng salita.

Ano-ano ang mga salitang balbal na ginamit sa kwento?

Waswas 

Ang ibig sabihin nito ay asawa.

Lespu

Ito naman ay nangangahulugang pulis.

Yosi 

Ito ang tinatawag nating sigarilyo sa mas pormal na paraan.

Oblo 

Ang salitang ito ay may ibig sabihin na kulungan o preso.

Haybol 

Ito naman ang tinatawag nating bahay.

Paano ginamit ang mga salitang ito sa kwento?

Ginamit ang mga salitang babal sa paglalahad ng pangunahing tauhan sa uri ng pamumuhay na meron siya. Mula sa paraan kung paano nagamit ang mga salitang ito, masasalamin ang mahirap niyang pamumuhay. Ito'y dahil na rin ang mga salitang ginamit ay hindi pormal at madalas lamang ito marinig sa kalye.

Konklusyon

Tunay na mahalaga ang pagsusuri sapagkat mas naiintindihan natin ang nilalaman ng isang akda. Dahil rin dito, mas naunawaan natin na ang kwentong 'Di mo Masilip ang Langit ay tumatalakay sa kahirapan at kung paano ito naging daan ng diskriminasyon at mga bagay na hindi mo minsan aakalaing magagawa ng tao. Sana ay may natutunan ka sa ating diskusyon ngayon.

Karagdagang Kaalaman

Ano ang ibig sabihin ng pamagat na 'Di Mo Masilip ang Langit?

Sa palagay ng pangunahing tauhan ay tinalikuran na siya ng langit dahil sa mga suliraning pinagdadaanan niya. Dagdag pa dito, ang direktong interpretasyon nito ay tumutukoy sa isang preso na nakakulong sa parteng halos hindi matanaw ang kalangitan.

Paano winakasan ng may-akda ang maikling kwento?

Inilarawan ng may-akda ang masakit na realidad na nangyayari sa mga tao dahil sa hindi pantay na pagtingin ng iba at ang kawalan ng pananampalataya.

Nanalo ba ng parangal ang kwento?

Oo, nanalo ito ng parangal noong taong 1981.

Ano ang sinasabi ng akda tungkol sa kahirapan?

Sinasabi ng akda na dahil sa kahirapan, may mga bagay na ipinagkakait sa mga nasa laylayan. Ito ang nagiging ugat ng diskriminasyon.

Ano ang mapupulot na aral sa kwentong ito?

Ang isang problema ay hindi kailanman magiging solusyon sa isa pang problema.

McJulez

McJulez is a passionate writer who loves making concise summaries, sharing valuable notes, and talking about new insights. With a background in campus journalism and a commitment to delivering experienced and reliable content, McJulez is dedicated to making this platform a community of learning and connection. facebook twitter pinterest

1 Mga Komento

  1. Isa sa mga pinakasetalyadong pagsusuri na nahanap ko. Salamat po. Can I use para sa reporting? Thanks

    TumugonBurahin
Mas Bago Mas luma