Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

 

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Ang natatanging Mayon Volcano ng Pilipinas. Ang litratong ito ay mula sa Unsplash.

Ang paggamit ng mga angkop na salita ay isang daan upang maipahayag natin nang mas malinaw ang mga ideya, damdamin, at kaisipan. Tunay itong makapangyarihan at mahalaga sa ating buhay. Paano na lamang kaya kung wala ito?

{tocify} $title={Table of Contents}

Ating pag-uusapan ngayon sa talakayang ito ang kahulugan ng talasalitaan at ilan sa mga halimbawa nito. Atin ding bibigyan ng ng kahulugan ang ilang mga salita na ginamit sa tulang sinulat ni Andres Bonifacio na pinamagatang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.

Ano ang talasalitaan?

Ang talasalitaan ay isang listahan ng mga salita at katumbas na kahulugan. Kilala din ito sa tawag na bokabularyo o vocabulary sa Ingles.

Atin namang basahin ngayon ng maiigi ang tulang nasa ibaba at pagkatapos ay ating bibigyan ng kahulugan ang ilan sa mga ginamit dito na salita. 


Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.


Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Para mas maunawaan ang teksto, narito ang ilang mga salita na nabanggit, at ang mga ito ay nabigyang kahulugan.

Talasalitaan

Pagkadalisay

Ang ibig sabihin ng salitang ito ay maaaring malinis, puro, wagas, o tunay.

Itigis

Maaari na ang kahulugan nito ay itapon, pagdaluyin, o pwede ding ubusin lahat.

Isinisiwalat

Ang ibig sabihin nito ay inilabas, ipinagsasabi, ikinakalat, ibinubunyag, o ipinapaalam sa ibang tao.

Tatalikdan

Ang ibig sabihin naman nito ay hindi na pakikialaman, iiwan o tatalikuran.

Sakbibi

Ang kahulugan ng salitang ito ay may lulan o may karga, maaari ding matinding kalungkutan.

Lumiyag

Ang ibig sabihin nito ay umibig. Ito'y mula sa salitang-ugat na liyag na ang ibig sabihin ay minamahal, sinta.

Mga iba pang salita at kahulugan ng mga ito

Bumabalong – It ay nangangahulugang umaagos. 

Halimbawa: Patuloy na bumabalong ang ilog.

Ditsong – Ang ibig sabihin ay usapan.

Halimbawa: Hindi magandang makinig sa ditsong ng mga matatanda.

Duklay – Ito ay may ibig sa sabihin na nakalaylay.

Halimbawa: Dahil sa pagod, Si Pedro ay nakaduklay sa ibabaw ng kahoy na katre.

Gali – Ito naman ay isang paligsahan.

Halimbawa: Sumali sa gali si Justin at siya ang itinanghal na kampeon.

Kahambal-hambal – Ito naman ay kaawa-awa.

Halimbawa: Kahambal-hambal ang sinapit ni Lusita sa kamay na malupit niyang amo.

Kintang – Ito naman ay pahingahan.

Halimbawa: Sa ilalim ng punong mangga ang paboritong kintang ni Juan.

Linggatong – Ang ibig sabihin naman nito ay suliranin.

Halimbawa: Dahil sa hirap ng buhay, maraming linggatong ang kailangang suungin ni Carmela.

Legwas – Ang katumbas nito ay isang metro.

Halimbawa: Halos isang legwas ang inabot ng baha sa bahay nina Reynabel.

Mawakawak – mapahamak

Halimbawa: Huwag kang magpapagabi at baka ika'y mawakawak lalo pa't maraming lasenggo sa lansangan.

Malawig – matagal

Halimbawa: Malawig na naghintay si Jake sa pinag-usapang lugar.

Maniig – Ito ay nakasanayan.

Halimbawa: Hindi madali para kay Cassy na maniig sa napakalamig na klima ng ibang bansa.

Nananaw – Ito naman ay nawala.

Halimbawa: Bigla na lamang nananaw ang papel na kani-kanina'y hawak ni Axel.

Piping gulo – Ito ay usap-usapan.

Halimbawa: Piping-gulo ngayon sa palengke ang nangyaring nakawan kanina sa pwesto ni Mareng Marites.

Sasalitin – Ibig nitong sabihin na isasalaysay.

Halimbawa: Sasalitin ni Yezza ang buong kwento.

Tumok – Ito ay isang kagubatan.

Halimbawa: Nagpunta sa tumok ang magkakaibigang sina Lukas, Carlos at Pedrito.

Pangwakas

Tunay na makapangyarihan ang mga salita. Nilalaman nito ang katumbas ng nararamdaman natin at ang ibig nating ihayag. Hindi lang sa pakikipagkomunikasyon ginagamit ngunit pati rin sa mga literatura kagaya ng tula. Ang ilan sa mga kakaiba at malarosas na mga salita ay ating nabasa sa artikulong ito at sana'y may natutunan ka.

Maikling Pagsusulit: Sanaysay

Ano ang talasalitaan?
Sagot:
Ito ay isang bokabularyo na naglalaman ng iba't ibang salita at kahulugan ng mga ito.

Ano ang pagkadalisay?
Sagot:
Ang ibig sabihin nito ay malinis, wagas, o tunay.

Ano ang itigis?
Sagot:
Ito ay nangangahulugang itapon o ihulog.

Ano ang sakbibi?
Sagot:
Ang ibig sabihin nito ay karga-karga. Pwede rin na matinding kalungkutan.
McJulez

McJulez is a passionate writer who loves making concise summaries, sharing valuable notes, and talking about new insights. With a background in campus journalism and a commitment to delivering experienced and reliable content, McJulez is dedicated to making this platform a community of learning and connection. facebook twitter pinterest

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma