Ang Paninindigan ni Max Scheler sa Pagkakapantay-pantay ng mga Tao


Sa mga usapin tungkol sa kaliwa't kanang isyu sa ating lipunan, mahalagang malaman natin ang mga mapagkakatiwalaang datos at impormasyon. Bagama't nagkalat ang mga balita, kailangang siguraduhin na tama ang nakakalap na impormasyon. Huwag makuntento sa iisang kwento na nakabase lamang sa narinig lang din dahil minsan, hindi maiiwasang nadagdagan na ito o di kaya ay nabawasan na.

{tocify} $title={Table of Contents}

Bilang pagpapalawak sa usaping ito, malalaman at matutunghayan ang paninindigan ni Max Scheler sa pagkakapantay-pantay ng mga tao. Ito ay isang bagay na bagama't simple lamang kung babasahin ay may malalim namang kahulugan. Kaya't lawakandin ang pag-iisip sa mga bagay-bagay.

Maaaring hati ang opinyon ng mga tao dito, kaya sa usaping ito, ating mas kikilalanin ang taong nasa likod nito. Hihimay-himayin din natin ang mga dahilan sa likod ng talakayang ito.

Si Max Scheler ay isa sa mga kilalang pilosopo noong ika-20 na siglo. Sikat ang kanyang mga kontribusyon sa larangan ng ethics at penomenolohiya. 

Sa kasalukuyan, nananatili siyang sikat lalo na ang kaiyang mga akda na bahagi ng mga pinag-aaralan natin ngayon.

Dagdag dito, isa sa mga mahahalagang tema sa kanyang mga gawa ay ang ideya ng pagkakapantay-pantay ng mga tao-isang usapin na bagama't madali lamang sabihin ay misan hindi pa rin maiiwasan na pagdebatehan ng ilan.

Ayon sa kaniya, ang pagkakapantay-pantay ng mga tao ay nagmumula sa esensyal na dignidad at halaga ng bawat isa sa atin. Sa Ingles, may tinatawag tayong innate qualities - ang mga ito ay makabuluhang bagay kahit saang anggulo tignan.

Upang mas maunawaan ang gustong sabihin nito, ating hihimayin ang bawat salik na may kinalaman sa usaping ito.

Ang Dignidad at Halaga

Ayon kay Scheler, ang bawat tao ay may likas na katangian at dignidad na naiiba sa lahat. 

Kung ito'y ating susuriin, ang ibig nitong ipahiwatig ay lahat ay magkakaiba. Ito ay dahil may kakayahan tayong umunawa, magmahal, at gumawa ng mga desisyon. 

Dagdag dito, ang mga ito ay nagdadala sa bawat tao sa isang espesyal na estado ng pagkakapantay-pantay na dapat kilalanin sa lipunan. Ito ay isang bagay na madalas banggitin ngunit madalas ding isawalang bahala ng iba.

Ang Moral na Responsibilidad

Sa pagsusuri ni Scheler, ang pagkakapantay-pantay ng mga tao ay nagdadala rin ng isang uri ng moral na responsibilidad. Ito ay nangangahulugan na ang bawat isa sa atin ay may tungkulin na itaguyod ang katarungan at pagkakapantay-pantay. 

Bukod pa rito, tayo ay may kakayahan ding gumawa ng aksyon kayat may responsibilidad tayong tugunan ang mga pangangailangang ito.

Hindi porket mas may impluwensiya ang iba ay babalewalain na lamang ang iba na mas mababa ang estado sa buhay. Kailangang magkaroon ng balanse para hindi guguho ang pundasyon nito.

Pag-akma sa Modernong Lipunan

Ang mga ideyang ito ay patuloy na makabuluhan sa ating modernong lipunan, lalo na sa usapin ng pagkakapantay-pantay at katarungan. 

Sa pagkilala sa likas nating katangian, mahalagang ipagpatuloy natin ang pagtutulungan para sa isang mas makatarungan at mas pantay na pagtingin sa lipunan.

Huwag iisipin na mas nakakalamang ka sa iba o di kaya'y mas mababa ka sa iba dahil tayo ay antay-pantay lamang. Bagama't iba-iba ang ating estado, lahat naman tayo ay kapwa nagtataglay ng mga karapatan. 

Pangwakas

Sa kabuuan, ang paninindigan ni Max Scheler ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkilala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao. Mahalagang malaman na ang usaping ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagbuo ng mas matagumpay at makatarungang lipunan. 

Sa pamamagitan ng pag-intindi sa kanyang mga ideya, maaari tayong maging mas mulat sa ating mga moral na obligasyon. Mas maiintindihan din nating ang mga layuning ito para sa kabutihan ng lahat at para sa pagkakaroon ng balanse sa ating lipunan.

McJulez

McJulez is a passionate writer who loves making concise summaries, sharing valuable notes, and talking about new insights. With a background in campus journalism and a commitment to delivering experienced and reliable content, McJulez is dedicated to making this platform a community of learning and connection. facebook twitter pinterest

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma